WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Robin Hood arangkada

HINANGAAN ng mga karerista ang ipinakitang husay ni Robin Hood sa panalo sa Philippine Racing Commission Rating Based Handicapping System sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan, Batangas Linggo ng hapon.

Ginabayan ni former Philippine Sportswriters Association Jockey of the Year Jessie Basilio Guce, nagrehistro nang impresibong tiyempo 1:23.6 minuto sa 1,400-meter race ang nabanggit na kabayo.

Pag-aari ni Zandy Javier, hinamig ni Robin Hood ang added P10K cash prize sa event na suportado ng Philracom sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.

Kumaskas agad siya papuntang unahan sa largahan, pero kinapitan siya ni Beli Bell na nirendahan ng dati ring PSA JOY Jonathan Hernandez.

Nagbakbakan ang dalawa sa unahan at pagdating sa dulo’y nanalo si Robin Hood na may dalawang kabayo ang layo sa nasegundong si Beli Bell. Tumersero si Doktora habang pumang-apat si Kiss Muna.

‘Di naman binigo ni Greatest Joy ang kanyang mga tagahanga nang mamamayagpag din sa isa pang Philracom-RBHS. (Elech Dawa)