WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Open Invitational matindi bakbakan

INAASAHANG bakbakan ang masisilayan ng mga karerista sa magaganap na Open Invitational Race for Imported & Local Horses ngayong araw sa Metro Turf sa Tanauan City, Batangas.

Posibleng magdomina sa takilya ang mga kalahok na sina My Prancealot at magka-kuwadrang In The Zone at Tony’s Love sa 1,800-meter race.

Ang ibang kalahok sa event na nakalaan ang guaranteed prize na P500,000 ay sina A.P. Factor, Dragon Butterfly, Isla Puting Bato, Joyous Solution at Sudden Impact.

Kukubrahin ng owner ng mananalong kabayo ang P300,000 sa event na suportado ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.

Sasakyan ni jockey NC Lunar si My Prancealot habang sina Pabs Cabalejo at MA Lanot ang rerenda kina Tony’s Love at In The Zone, ayon sa pagkakasunod.

Hahamigin ng second placer ang P100,000 habang P50,000 at P25,000 ang third at fourth. (Elech Dawa)