WebClick Tracer

Sunday, January 29, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Babaeng pipi, dakma sa droga

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 14, ang isang babaeng “pipi” matapos na masangkot sa iligal na droga kamakalawa sa kanto ng Taft Avenue at TM Kalaw St., Ermita, Maynila.

Ang suspek na si Liza Chua, 42, ng Taft Ave. Malate, ay inaresto sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Rolando Santoyo, ng Manila RTC Br. 179.

Nabatid na ang suspek ay inaresto alas-2:00 ng hapon sa kasong paglabag sa Section 11 (3) Article II of R.A. 9165 sa isinagawang Simultaneous Anti- Criminality Law Enforcement Operation at nasa Top 12 Most Wanted Person sa station level.

Si Chua ay binasahan ng Miranda rights sa pamamagitan ng “sign language.”

Inirekomenda naman ng korte ang 200,000 piyansa para sa kanyang pansamantalang Kalayaan. (Juliet de Loza-Cudia)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on