WebClick Tracer

Friday, October 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

See You Tomorrow patok sa mga tipster

PREPARADO na ang kabayong si See You Tomorrow sa magaganap na “3-Year-Old & Above Maiden” race na ilalarga ngayong araw sa Metro Turf sa Tanauan City, Batangas.

Pinapatok ng tipsters sa programa ng karera si See You Tomorrow na rerendahan ni former Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey of the Year awardee Jessie B Guce.

“Lamang sa laban si See You Tomorrow tapos magaling pa ang hinete, puwedeng i-single sa winner take all,” saad ni Pablito Sanchez, veteran karerista.

May distansyang 1,200 metro, ang ibang kalahok ay sina Windstorm, Start With Hope, Laktod, Montage at Meet Me In Dcorner.

Nakalaan ang added prize na P10,000 para sa owner ng mananalong 3-year-old horse sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.

Pitong races ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc.(MMTCI) ngayong araw, may ilalarga rin na tig-isang Barrier at Novato race. (Elech Dawa)