WebClick Tracer

Sunday, January 29, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Pekeng NBI agent sa viral video, tadtad ng kaso

Patong-patong na kaso ang isinampa laban sa pekeng ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos itong mag-viral sa social media habang tinututukan ng baril ang nakaalitang motorista sa trapiko sa Meycauayan, Bulacan noong Mayo.

Sa isang pahayag nitong Martes ng gabi, sinabi ng NBI na kinasuhan na nila sa Department of Justice (DOJ) ang suspek na si Ramil Bunagan Diaz ng surpation of authority, grave coercion, at paglabag sa gun ban. Nag-viral ang suspek sa social media nang makunan ito ng video ng isang netizen habang tinututukan ng baril ang nakasagutang motorista sa Meycauayan City, Bulacan noong Mayo 8, 2022.

Ani NBI, registered owner ang suspek ng 10 baril pero natuklasan sa rekord ng Philippine National Police-Firearms and Explosives Office na hindi ito naisyuhan ng permit to carry outside of his residence sa kahit na anong baril niya.

Naberipika rin ng Anti-Graft Division ng NBI sa Commission on Elections (Comelec) na hindi ito nag-apply at hindi nabigyan ng exemption para magdala ng baril simula Enero 9 hanggang Hunyo 8 ng taong ito. Kinumpirma rin ng Personnel Division ng NBI na hindi ito empleyado ng ahensiya.

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on