Tumanggap ng Pangkabuhayan Business Kit ang 22 dating rebelde bilang panimula sa pagbabagong-buhay kasama ang kanilang mga pamilya.
Ipinamahagi ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga nagbalik-loob na rebelde ang business kit na nagkakahalaga ng P150,000 kada isa sa ginanap na Micro Small Medium Enterprise (MSME) Week Celebration sa New Gymnasium, Poblacion, Malita, Davao Occidental nitong Martes.
Ang Pangkabuhayan Business Kit ay isang small business program ng DTI para sa mga dating rebelde.
Sumuko ang mga ito sa 73rd Infantry Battalion sa pagnanais na mabuhay ng malaya at malayo sa karahasan kasama ang kanilang mga anak at pamilya. (Kiko Cueto)