WebClick Tracer

Monday, February 6, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Chinese national bokya sa piyansa

Bigo ang isang Chinese national na pansamantalang makalaya sa kasong kidnapping at serious illegal detention matapos magpalabas ng arrest warrant ang Pasay City Regional Trial Court laban sa kanya.

Isinilbi ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 9 ang warrant of arrest na inisyu ni Pasay City Regional Trial Court Branch 114 Presiding Judge Elmer Joseph R. Guerzon laban sa suspek na si Zhong Hang, alyas ‘Lucas Tan Anita’, negosyante at taga-Legacy Village BF Homes, Parañaque City para sa kasong Kidnapping at Serious Illegal Detention sa loob mismo ng Pasay City Jail.

Inakusahan si Zhong ng pagdukot sa kababa­yan niya na empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) noong nakaraang taon.

Bukod kay Zhong, isinilbi rin ang warrant of arrest laban kay Joey Ramos Santiago, 28-anyos, sa Unit 502 Anne Francis Condominuim sa Sandejas St. Barangay 729, Malate, Maynila. (Juliet de Loza-Cudia)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on