WebClick Tracer

Thursday, December 1, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

Cayanong papakner kay Robles sa 6-Stag

ISASABAK ni Ka Rex Cayanong ang kanyang pambatong panabong sa magaganap na RGBA 6-Stag Early Bird Derby na bibitawan sa Teresa Cockpit Arena sa Rizal.

Makikipagsanib-puwersa si Cayanong kay Willy Robles para harapin ang ibang tigasing breeders.

Gamit ang enty name na ‘Sabong On Air/Baras Rizal’, kailangan munang makalusot ng mga manok nina Cayanong at Robles sa 3-Stag Eliminations na ilalarga ngayong araw para makapasok sa grand finals sa Agosto 17.

Ipatutupad ang 3-3 format, may pot money na P4,400 at minimum bet na P5,500 ang nasabing derby na nakalaan ang P2M guranteed prize.

Markado ang ‘Sabong On Air’ dahil sa mga nasikwat na kampeonato ngayong taon, naka-apat na si Cayanong at pakay nitong madagdagan ang iuuwing karangalan.

Huling nagkampeon ang ‘Sabong On Air’ sa King Arthur 6-Cock Derby nakaraang buwan.

Hahamigin ng magkakampeon sa RGBA 6-Stag ang P1.2M, habang kukubrahin ng 1st at 2nd runner-up ang P300,000 at P400,000, ayon sa pagkakasunod.

Magbubulsa rin ang champion handler ng P70,000 at P30,000 naman sa gaffer.

Para sa reservation, makipag-uganyan sa RGBA (09153220159). (Elech Dawa)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on