WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
Abante KARTADA

Male celeb super sipsip sa mga bossing

Hinding-hindi raw manganganib ang estado ng male celebrity sa kanyang trabaho dahil na-master na kung paano sumipsip at magpalapad ng papel sa mga bossing.

Ayon sa isang source, every other week daw ay naghu-host ito ng bonggang dinner sa kanyang bahay para sa mga bossing ng pinaglilingkuran niyang network. Bukod sa panalong catering, may pa-gift bag pa raw ito sa kanyang mga bisita.

“Chika sa akin na inaalam ng male celebrity na ito ang mga gusto ng bawa’t isang bisita niya. Kesehodang signature bag ito or alahas, gagastos siya para lang hindi siya makalimutan. At nangyayari nga naman ang gusto niya. Mawalan man siya ng show ay may kapalit agad. Ganyan siya magtrabaho sa mga bossing.”

At pati raw staff ng show na kinabibilangan nito ay nakakatanggap ng biyaya sa kanya. Noong mag-dry run daw para sa kanyang bagong kinabibilangan ng show, namigay daw ito ng tig-isang libo sa buong staff.

Sey ng source: “Alam talaga niya ang paraan para magustuhan siya ng staff. Kung hindi nga raw yan magpapakain ay namimigay ng datung. Eh barya lang para sa kanya ang sine-share niya dahil sa laki ng talent fee niya. Afford niya talagang mamigay para mas malaki ang balik sa kanya.” (Ruel Mendoza)