WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

‘Gulayan sa Barangay, Bakuran at Paaralan’ inilunsad sa Nueva Ecija

Inilunsad ang ‘Gulayan sa Barangay, Bakuran at Paaralan Project’ sa Talavera, Nueva Ecija sa ikasiyam na taong edisyon nito noong Biyernes.

Ayon kay Vice Mayor Nerivi Santos-Martinez, sinumulan ang proyekto noong 2013 sa kanyang unang termino bilang alkalde ng bayan. Pinagla-laanan aniya ito ng P2 milyon hanggang P2.5 milyon ng pamahalaang-lokal kada para pambili ng mga binhi ng mga gulay tulad ng petsay, sitaw, ampalaya, talong sili at iba pa na libreng ipinamimigay sa mga kalahok na 53 barangay at paaralan.

Ani Martinez, may premyo ang may mga pinakamayabong na ani para sa mga kalahok sa tatlong kategorya. Ayon pa kay Martinez, napakina-bangan ng kanilang bayan ang inani ng mga ito sa kasagsagan ng lock-down bunsod ng mataas na kaso ng COVID-19.

Dagdag ni municipal administrator Nery Santos Sr., pinamahagi rin sa ‘community pantry’ ng mga barangay ang mga ani. Itinakda ang pag-aani ng mga gulay sa taong ito sa Setyembre 10 kasabay ng kaarawan ni Mayor Jr. Santos na nakababatang kapatid ng bise-alkalde. (Jojo De Guzman)