WebClick Tracer

Saturday, February 4, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Totoy nangisay sa extension wire, patay

Patay ang isang batang lalaki nang mahawakan at makuryente umano ito sa extension wire sa loob ng kanilang bahay sa Cauayan City, Isabela nitong Biyernes.

Naisugod pa sa ospital ang isang taon at limang buwang gulang na bata pero idineklara itong dead on arrival ng mga doktor at kinumpirmang namatay ito sa pagkakakuryente.

Ayon sa ama ng biktima, nangyari ang insidente noong Biyernes ng umaga nang iniwan niya ito saglit para kunin ang mga nakasampay nilang damit dahil sa nagbabadyang ulan.

Nagulat umano siya nang pagbalik niya sa bahay ay wala na itong malay at nangingitim na ang mga kamay. Sa tabi nito ay ang extension wire na pinaniniwalaang hinawakan ng bata sa pag-aakalang laruan.

Nakaburol ang mga labi ng biktima sa kanilang tahanan sa Purok 3, Alicaocao sa Cauyan City, Isabela.

Ayon sa ama, nagsisisi siya sa naging kapabayaan sa pag-aakalang ligtas ang kanyang anak sa loob ng kanilang tahanan sa lahat ng oras. (Edwin Balasa)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on