WebClick Tracer

Saturday, September 24, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Kabahayan baklas-bubong sa buhawi, pananim nawalis

Naperwisyo ang ilang kabahayan at pananim sa Brgy. Caaniplahan, Talavera, Nueva Ecija nang sagasaan ng buhawi noong Miyerkoles ng hapon.

Ayon kay Brgy. Kagawad Felix Descalzo, alas-4:30 ng hapon nang biglang umihip ang malakas na hangin na may kasabay na kulog at kidlat.

Nagliparan umano ang mga yerong bubungan ng ilang bahay ng halos kalahating kilometro ang layo.

Dumapa rin ang mga pananim. Umabot sa 7 poste ang nadale kaya nawalan ng kuryente sa ilang lugar. (Jojo De Guzman)