WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
Abante KARTADA

Mayamang politiko nagkuripot sa car sticker

Umaapaw ang yaman ng isang mambabatas dahil na rin sa bilyonaryo nitong esposo.

Pero pagdating sa pagbili ng car sticker, mistulang nagkuripot pa ito gayung kahit isang milyong piraso ng car sticker ay kaya nitong bilhin.

Naitimbre ng isang Marites kay Mang Teban na itong ating bida, nakipagbardagulan pa sa homeowner’s association sa pagpupumilit na hindi na niya kailangan ang car sticker para makapasok sa subdivision.

Aba’y gumana yata ang utak wang-wang ng mambabatas at gusto niya ay walang haharang sa gate ng subdivision kahit walang sticker ang kanyang sasakyan.

Mismong tarpaulin na naglalaman ng abiso sa mga homeowner na bumili ng car sticker, pinagdiskitahan ng lady solon nang tanggalin niya ito.

Nagtataka tuloy ang ilang Marites kung paano niya nabaklas ang tarpaulin sa gate gayung hindi naman siya kamag-anak ni Jabbar kundi pinaglihi sa seven dwarfs ni Snow White.

Mistulang naningil pa ang mambabatas nang isumbat na siya ang nagpagawa ng ilang gusali at mga sirang kalye sa subdivision, motorsiklo at iba pang donasyon sa asosasyon.

Sa kabila ng katigasan ng mukha, tumiklop din ang mambabatas at nangakong bibili na lamang ng car sticker para hindi masita sa paglabas-masok sa subdivision.

Pintahan n’yo na. Ang mambabatas ay minsang nakalaban ng grupo ng mga nurse. Wala siyang letrang O sa kanyang pangalan, as in ‘Orange’.