WebClick Tracer

Sunday, January 29, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
NEWS

PSG Task Force SONA binuo

Ikinakasa na ng Presidential Security Group (PSG) ang security preparations para sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong ‘Bongbong’ Ferdinand Marcos Jr. sa July 25.

Isang inter-agency meeting ang pinangunahan ng PSG para sa mga gagawing detalye kung paano matiyak ang seguridad at kaligtasan ng pangulo sa nakatakdang SONA, alinsunod na rin sa direktiba ni PSG Commander Col. Ramon Zagala.

Itinatag din ang PSG Task Force SONA 2022 na pinangunahan ni Commander Nelson Aluad ng Philippine Army.

Bahagi ng security preparations ang ocular at walkthroughs ng PSG sa Kongreso para masiguro ang kaligtasan ng presidente sa mismong araw, pati na rin ng mga bisitang dadalo sa u¬nang SONA ni Pangulong Marcos Jr. (Aileen Taliping)

Ano ang masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)
This breaking news is brought to you by:

Una sa Balita

Popular sa ABANTE

TELETABLOID

Follow Abante News on