WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Robin Hood lalong bibilis

NAPALABAN nang todo si top favorite Robin Hood bago sinikwat ang panalo sa Condition Race Merged na inilarga sa Metro Turf sa Tanauan City, Batangas nitong Linggo ng hapon.

Kumuha ng unahan si Robin Hood paglabas ng aparato pero kinapitan agad siya nina Calbayog, Shanghai Noon at Box Office sa unang 200 metro ng karera.

Nirendahan ni former Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey of the Year awardee Jessie B. Guce, nagbalak umunat sa unahan si Robin Hood pero hinabol siya ni Shanghai Noon at nakipagtagisan ng bilis hanggang rektahan.

Bandang huling 50 metero ng karera nasiguro na ni Robin Hood ang panalo, tnawid nito ang meta na may dalawang kabayo ang agwat sa pumangalawang si Shanghai Noon.

“Sa naging takbo ni Robin Hood mas lalong gagaling kasi maganda ang panalo niya, pinahirapan siya kaya lalong mababatak,” saad ni Francisco Valencia, veteran karerista.

Inirehistro ni Robin Hood ang tiyempong 1:24 minuto sa 1,400-meter race sa event na suportado ng Phiilippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairmaan Reli De Leon. (Elech Dawa)

.