WebClick Tracer

Sunday, January 29, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Retiradong sundalo binistay sa katawan, ulo

Patay ang isang retiradong miyembro ng Philippine Army (PA) nang pagbabarilin ito sa katawan at ulo ng hindi pa nakikilalang suspek sa Sariaya, Quezon noong Sabado.

Kinilala ng Sariaya police ang biktima na si Salvador Sales, 50-anyos, dating nakatalaga sa Southern Luzon Command (SOLCOM) headquarters sa Camp General Guillemo Nakar, sa Lucena City.

Batay sa report ng Sariaya police, galing sa San Juan, Batangas at pauwi na ang biktima sa Barangay Bignay 2 sakay ng kanyang motorsiklo nang sumulpot sa kanyang tabi ang itim na motorsiklo na walang plaka sa Eco Tourism Road bandang alas-kuwatro ng hapon.

Pagtapat sa biktima ay pinagbabaril umano ito ng mga suspek sa katawan at ulo na agaran nitong ikinamatay.

Ayon kay Sariaya Police chief Lt. Willian Angway Jr., iniimbestigahan nila ang anggulong gantihan sa motibo sa krimen dahil napaghinalaan ang biktima na may kinalaman sa pagpaslang sa isang opisyal ng barangay nitong Mayo na nakaalitan nito dahil sa lupa. Sumunod na namatay ang kaibigan ng opisyal nang pagbabarilin ang lamay ng huli at tamaan ng bala ang una.

Aniya, walang nahuling suspek sa insidente at hindi na rin nagsampa ng asunto ang pamilya ng mga biktima pero ibinintang umano ng mga ito ang mga krimen kay Sales. (Ronilo Dagos)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on