WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Robin Hood mapapalaban

MASUSUBUKAN ang husay ni Robin Hood sa Condition Race na ilalarga sa Metro Turf sa Tanauan City, Batangas ngayong araw.

Tiyak na mapapalaban si Robin Hood dahil mga stakes race campaigner ang mga ibang kasali sa karerang may distansyang 1,400 metro.

Pakakawalan sa Race 1, rerenda kay Robin Hood si former Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey of the Year awardee Jessie Basilio Guce.

Magbibigay ng magandang laban kay Robin Hood sina Dragon Butterfly at Calbayog na sasakyan nina Claro Pare at EA Abrea, ayon sa pagkakasunod.

“Mahusay din sina Dragon Butterfly at Calbayog kaya mapapahirapan si Robin Hood bago makuha ang panalo,” saad ni Celso Sanchez, veteran karerista.

Ang ibang kalahok sa event na suportado ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon ay sina Shanghai Noon, Rain Man at Box Office. (Elech Dawa)