WebClick Tracer

Sunday, January 29, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

‘Subukan ng Lahi’ Derby sisiyapol

MULING sasalang sa ruweda si Ka Rex Cayanong upang puntiryahin ang panglimang kampeonato ngayong taon.

Iwawagayway ni Cayanong ang ‘Sabong On Air’ sa “Subukan ng Lahi” 5-Stag Derby sa RIPER Sports Santa Rosa Mega Cockpit sa Laguna ngayong araw.

Combined-entry ni Cayanong si Jobelle Teves, posibleng maging mahigpit na kalaban sina Charlie “Atong” Ang at Edwin Tose sa palaban nina Noel “Monay” Caliso, Renato Shio at Garry Tesorero ang pit manager ng state-of-the art RIPER Sports Santa Rosa Mega Cockpit.

Tampok din sina Richard Perez, Osang Dela Cruz, Eddie Gonzales, Paolo Malvar, Eric Dela Rosa at Sonny Lagon.

Dalawang beses nagkampeon sina Cayanong at Perez, masusubukan ang tikas nila sakaling magkatapat ang kanilang panabong sa event na may parehong pot money at minimum bet na P22,000.

Para sa reservation ng cockhouse, kontakin sina Dennis (09773477300) at Bonjing (09213974577).

Samantala, itinatag nina Dave Lao, Boy Royo at Perez ang Sta. Rosa Cockers Alliance kung saan ay bubuo sila ng SRCA Circuit Derby Set A, B, C. (Elech Dawa)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on