WebClick Tracer

Sunday, January 29, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Killer ni Princess arestado, paratang pinalagan

Arestado na ang suspek sa pagpatay sa industrial engineer na si Princess Dianne Dayor may 48 oras matapos matagpuan ang naagnas nitong bangkay sa isang bangin sa Malolos, Bulacan noong Hulyo 5.

Sa isang press conference sa Camp Gen. Alejo Santos noong Huwebes ng gabi, sinabi ni acting Bulacan police director Col. Charlie Cabradilla na naaresto ang suspek na si Darwin De Jesus, sa kanilang lugar sa Barangay Tabang, Guiguinto, Bulacan nitong Huwebes ganap na alas-4:30 ng hapon.

Kumbinsido ang pulisya na tinangkang halayin ng suspek ang 24-anyos na biktima pero posibleng nanlaban ang huli kaya pinatay niya ito sa pamamagitan ng pagsakal gamit ang sling ng bag nito.

Naniniwala rin ang pulisya na magkakilala ang biktima at suspek.

Nahaharap ngayon sa mga kasong robbery with homicide ang suspek.

Kinilala ng kanyang pamilya ang bangkay ng dalaga batay sa kanyang tattoo at mga kagamitan sa lugar.

Nagtatrabaho si Dayor sa isa sa mga pabrika sa Pulilan. Huli siyang nakita noong Hulyo 2 sa Barangay Tabang bandang alas-5:30 ng madaling-araw.

Samantala, itinanggi ng suspek na may kinalaman siya sa krimen.

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on