WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

PAF saludo kay Marcial

KINILALA ng Philippine Air Force ang husay na niladlad ni Eumir Felix Marcial sa nakaraang 31st Southeast Asian Games 2022 sa Vietnam noong Mayo.

Isang simpleng seremonya ang isinagawa ng hukbong panghihimpapawid ng bansa sa pangunguna ni PAF chief Lt. Gen. Connor Anthony Canlas Sr. para sa mga soldier-athlete na nagwagi ng medalya sa 11-nation, 2-weeklong biennial sportsfest

“Plaque of Recognition is hereby presented to Sergeant Eumir Felix Marcial PAF for his extraordinary and distinguished achievement rendered as Filipino athlete,” ayon sa plake na tinanggap ni Marcial, gold sa SEA Games men’s boxing 75kg.

Sa social media account niya Huwebes, pinasalamatan ng sundalong atleta ang organisasyon at ikinararangal aniyang makapaglingkod sa bayan, bilang atleta at sundalo.

“Isang karangalan ang mag bigay serbisyo sa ating bansa at sa buong PAF bilang isang soldier-athlete. Maraming salamat sa suporta at pag-iintindi na inyong ibinibigay sa amin,” ani Marcial sa Facebook account niya.

“Thank you so much to our Commanding General Lt. Gen. Connor Anthony Canlas Sr. PAF for recognizing our achievement in the recently concluded 31st SEA Games. As my duty to the PAF I will continue to bring pride and honor to our country,” hirit ng 29-anyos, 5-11 at Chavacano boxer mula sa Zamboanga City. “Thank you so much to my PAF family for the continuous support for all the PAF soldier-athletes.Mabuhay!” (Annie Abad)