WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

‘Sabong On Air’ swak sa derby ni Estrellado

PAKAY ng entry na ‘Sabong On Air’ na sumilo ng panibagong kampeonato ngayong taon pagsalang sa “PJPE Dolores 6-Stag Derby” na illarga sa RIPER Sports Santa Rosa Mega Cockpit sa Laguna ngayong araw.

Pag-aari ni Ka Rex Cayanong, naka-apat na kampeonato na ito ngayong taon kaya naman isa ang ‘Sabong On Air’ sa mga markado na panabong.

Subalit tiyak na pahirapan bago masilo ni Cayanong ang inaasam na titulo dahil mga tigasing breeder at sabungero rin ang nagsaad ng pagsali sa one-day derby ni PJ Estrellado.

Ang mga lalahok ay sina Charlie “Atong” Ang, Mayor RJ Mea, King Arthur, Edwin Tose, Rey Canedo, JP Dragon, Cholo Violgo at ang may-ari ng pagdadausaan ng derby na si Richard Perez.

Isa sa pinakamagandang sabungan sa Pilipinas ang RIPER Sports Mega Cockpit dahil sa magandang pasilidad at maaliwalas na paligid sa loob ng sabungan dahil sa mga VIP cockhouse.

May parehong pot money at minimum bet na P55,000, ang mga manok panabong na puwedeng bitawan ay mga WPC banded (Early Bird) lamang, inaasaahang nasa mahigit 45 entries ang makikipagpupugan.

Para sa reservation ng cockhouse, makipag-ugnayan lamang kina Dennis (09773477300) at Bonjing (09213974577).

Samantala, nitong Martes ginanap ang launching ng Sta. Rosa Cockers Alliance,(SRCA) sa Summer Palace Restaurant, EDSA-Shangri-La Hotel, Mandaluyong City. (Elech Dawa)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on