WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Bakunahan itotodo para sa face-to-face class

Ibabalik muli ang maigting na vaccination drive para matiyak ang kaligtasan ng mga batang magbabalik-eskuwela sa pasukan sa Agosto.

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa harap na rin ng muling pagtaas ng kaso ng COVID19 sa bansa.

Mahalaga aniyang mahikayat lalo na ang kabataan na mabakunahan dahil babalik na ang mga ito sa paaralan para sa kanilang face-to-face class.

“The general policy, we will reinstitute again the vaccination drive so that we cannot at least feel safer when the children go back to school.So we will be encouraging that, especially for younger people, because again we have to be concerned about their return to school,” anang pangulo.

Tiwala ang presidente na kaya namang tugunan ng Department of Health (DOH) ang mga bagong kaso ng COVID-19 at kailangan lamang palakasin at paigtingin ang pagbakuna sa mga hindi pa nakatanggap ng primary doses at booster shot.

Mahalaga lamang aniya na gawin ang mga pag-iingat dahil mas nakakahawa ang Omicron subvariants kaysa sa mga naunang variant na lumutang noong 2020 at 2021 subalit inaabot lamang ng isang araw kaya mahalagang mas palakasin ang proteksiyon laban sa virus sa pamamagitan ng pagpapabakuna.

“We still have the capability to handle the new COVID cases. This is Omicron. Omicron is very different, it is very… it’s a little contagious but it does not hit us hard. In fact, the general experience has been people are down maybe for two, maybe three days, and that’s like flu. That’s like having flu. So we are getting to that point where we are learning to live with the coronavirus, specifically with the Omicron variant and the other variants that are coming,” dagdag ng Pangulo.

May mga ilang lugar pa sa bansa na mababa ang bilang ng mga nagpapabakuna gaya ng ilang lugar sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at ilan pang rehiyon sa Mindanao. (Aileen Taliping)