WebClick Tracer

Sunday, February 5, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

Ka Rex, Dennis sa 6-Stag Derby

MAGSASANIB ang warrior nina Dennis Samson at Ka Rex Cayanong para lahukan ang “RRB ADC Palaban PV 6- Stag Derby” na bibitawan sa New Metro Darasa Cockpit sa Bgy. Darasa Tanauan City, Batangas ngayong Miyerkoles.

Tiyak na dadaan sa butas ng karayom ang combined entry nina Samson at Cayanong na “Tito Den Jepoy/Sabong On Air” sa pa-derby nina Rhona Bullecer at Arnold Dela Cruz dahil mga tigasing breeder at sabungero ang mga kasali.

May parehong pot money at minimum bet na P55,000 ang derby, lalahok din sina Charlie “Atong” Ang, Mayor RJ Mea, Richard Perez, Edwin Tose at ang nagbabalik ruwedang si Boy Royo.

Malaki ang tsansa na masikwat nina Samson at Cayanong ang korona dahil kabilang sila sa maiinit na sabungero sa ruweda.

Nag-solo champion sa “Basagan ng Pula” ang “Tito Den Jepoy” habang inangkin ng “Sabong On Air” ang titulo sa “Battle of the Big Boys” at apat na champion ngayong taon na may combined entry.

Halos nasa 60 entries, kabilang pa sa mga sasabak sina Jojo Cruz, Gov. EddieBong Plaza, Mandy Garcia, Jun Fernandez, JP Dragon, Cholo Violago, Arman Santos, Paolo Malvar, Budjit Aguilar, Biboy Enriquez at Gerry Ramos.

Inaasahang mainit na pupugugan ang masisilayan ng mga sabungero sa halos 180 fights na ilalarga.

Para sa reservation ng cock house, makipag-ugnayan kina Jocyl Niegas (09451491719) at Shamela Najera (09663351576). (Elech Dawa)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on