WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

SRCA ilulunsad sa Shangri-La

NAKATAKDANG ipakilala ngayong araw ang Sta. Rosa Cockers Alliance (SRCA) na gaganapin sa Summer Palace Restaurant sa EDSA-Shangri-La Hotel sa Mandaluyong City sa alas-11 ng umaga.

Ang SRCA ay itinatag nina Boy Royo, Richard “RIPER” Perez at Dave Lao na kilalang tigasin at beteranong breeders sa Pilipinas.

Si Royo na matagal na napahinga sa sabong ay dalawang beses nagkampeon sa World Slasher Cup, solo champion sa Basagan ng Pula at naging Cocker of the Year noong 2004.

Ngayon ay nagbabalik sa ruweda upang ipakita ang husay ng kanyang mga panabong.

Napag-uusapan naman sa social media ang isa sa pinakamagandang sabungan sa Pilipinas na RIPER Sports Santa Rosa Mega Cockpit sa Laguna na pag-aari ni Perez.

Ang Pit Manager ng nasabing state-of-the-art na sabungan ni Perez ay si Garry Tesorero.

Magsisilbing adviser ng SRCA si Perez habang sina Royo at Lao ang acting chairman ng execom at point person ng SRCA, ayon sa pagkaksunod.

Mga commercial breeder at lumalaro sa Pitmaster Live o WPC Online Sabong ang 95 miyembro na lalahok sa SRCA.

Maliban sa Sabong Nation, kasama rin sa coverage ng paglulunsad ng SRCA ang ‘Sabong On Air’ na mapapakinggan sa DZME 1530AM at mapapanood sa YouTube kung saan ang host ay si Ka Rex Cayanong. (Elech Dawa)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on