Nakapagtala ang Mt. Kanlaon sa Negros Occidental ng 21 volcanic earthquake sa nakalipas na 24 na oras, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Lunes
Sa kanilang alas-singko na advisory, sinabi ng Phivolcs na nakita rin ang lalo pang pamamaga ng bunganga ng bulkan kasabay ng 21 beses nitong pag-uga.
Senyales anila ito ng tumitinding init, paggalaw at pag-akyat ng magma sa loob ng bulkan, dahilan para sa posibilidad ng pagputok nito anumang oras.
Tulad ng Mt. Bulusan sa Sorsogon, ipinatutupad din sa Mt. Kanlaon ang alert level 1 at pagbabawal na makapasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) gayundin ang pagpapalipad ng anumang uri ng sasakyang panghimpapawid na malapit sa bunganga ng bulkan.
Sa kasalukuyan ay wala namang inirerekomendang paglikas sa paligid ng bulkan. (Tina Mendoza)