WebClick Tracer

Monday, October 3, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
Abante VISAYAS / MINDANAO

7 haybol sa Cotabato nirapido; tanod dedo, 2 sugatan

Patay ang isang barangay tanod habang sugatan ang dalawang iba pa matapos na ratratin ng pinaniniwalaang miyembro ng local terrorist group ang tinatayang pitong kabahayan sa Barangay Ginatilan sa bayan ng Pikit, North Cotabato, Huwebes ng gabi.

Kinilala ang nasawing biktima na si Gilbert Roa, na agad namatay dahil sa tinamong mga bala habang malubhang nasugatan ang kapitbahay na sina Eleonor Umutong at Kho Enok, kapwa taga-Sitio Saguing.

Sa ulat ng Pikit Municipal Police Station (MPS), naganap ang insidente alas-otso ng gabi nitong Huwebes kung saan ilan sa mga residente ay natutulog na.

Dumating umano ang isang grupo ng kalalakihan at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga kabahayan at pagkatapos ay mabilis ding nagsialis.

Napuruhan si Roa na natutulog na ng mga oras na iyon habang nagtamo din ng mga bala sina Umutong at Enok na agad dinala sa pagamutan.

Ayon sa pulisya, dalawang grupo ang pinaghihinalaan nilang responsable sa pamamaril, ito ay ang local terrorist group na Dawlah Islamiya (DI) o Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF). (Edwin Balasa)