WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Samantha patok sa 3YO Maiden

MAKIKILATIS ang tikas ng kabayong si Samantha pagsalang nito sa 3-Year-Old & Above Maiden Race na ilalarga sa Metro Turf sa Tanauan City, Batangas ngayong araw.

Rerendahan ni former Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Patty Ramos Dilema, makakatagisan ng bilis ni Samantha ang mga tigasing sina Lucky Choice, Auspicious, My Sharona at Be Thoughtful.

May distansyang 1,200 metro, nakalaan ang added prize na P10,000 para sa mananalong 3-year-old horse.

“Balita ko mahusay daw si Samantha, malalaman natin ‘yan,” saad ni Virgilio Villahermosa, veteran karerista.

Komento ng ibang karerista, posibleng magbigay ng magandang laban kay Samantha si Lucky Choice na sasakyan ng dati ring PSA-JoY awardee na si Jessie Basilio Guce.

Samantala, pitong karera ang inihain ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) kaya tiyak na masisiyahan ang mga karerista sa kanilang pananaya. (Elech Dawa)