WebClick Tracer

Wednesday, September 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Santo Papa inalayan ng dasal si Marcos

Bukod sa pagbati, inalayan din ng dasal ng Santo Papa si President-elect Ferdinand Marcos Jr. para sa tagumpay at katatagan ng liderato nito bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas.

Sa mensaheng ibinahagi ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, ipinaabot ng Santo Papa ang taus-pusong pagbati sa bagong halal na Pangulo ng bansa kasabay ng kanyang panalangin para sa mabuti nitong pamumuno sa mahigit 100 milyong Pilipino.

Idinalangin aniya ng Santo Papa ang katatagan ng liderato ni Marcos sa pagharap sa maraming hamon na dala ng mga suliranin ng bansa.

Sa kanyang courtesy call kay Marcos noong Hunyo 10, sinabi ng arsobispo na naging sentro ng kanilang pag-uusap ang pagpapatibay sa relasyon ng simbahan at pamahalaan.