WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Quezada kamador ng women’s football

MATAPOS magpakitang-gilas upang bigyan ng bronze medal ang Pilipinas sa nakaraang 31st Southeast Asian Games na ginanap sa Vietnam, isang panibagong marka na naman ang naitala ng Filipino-American footballer na si Quinley Quezada bilang top scorer ng Philippine Women’s National Football Team (PWNT).

Sa isang social nedia post, kinumpirma ng PWNT na bukod sa 16 international goals ni Quezada sa kanyang 30th cap para sa bansa, ay pinangunahan din nito ang listahan para sa scoring list ng koponan.

“THAT’S OUR QUEEN-LEY!
@quinleyquezada not only reached 16 international goals on her 30th cap for the Philippines, she also cemented her place at the of the PWNT scorers’ list. Truly remarkable,” post ng team.

Nitong nakaraang araw lamang nang giyahan ni Quezada ang Filipinas sa kanilang 2-1 panalo sa pamamagitan ng kanyang huling goal buhat sa 0-1 paghabol kontra Bosnia & Herzegovina na ginanap sa Slovenia.

Laman din ng balita ang 25-anyos na professional footballer nang pumirma ito ng kontrata sa panig ng ZKF Red Star Belgrade ng Serbian Superliga.

Naging bahagi din si Quezada ng JEF United Chiba Ladies sa kanyang pagsabak sa Japanese WE League bago ito lumipat sa Red Star Belgrade.

Sa nakaraang kampanya ng bansa sa 31st SEA Games, si Quezada ang naging dahilan ng panalo ng Pilipinas kontra Myanmar para sa bronze.

Napabilang si Quezada sa koponan ng UC Riverside Highlanders noong ito ay nasa kolehiyo sa Estados Unidos bago siya napabilang sa professional football league at sa PWNT. (Annie Abad)