WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Condition Race matindi laban

MAGTATAGPO sa pista ang mga kabayong sina To It’s Si Bing at Eyeshot at tiyak na mainit na bakbakan ang masisilayaan ng mga karerista.

Maghaharap sina To It’s Si Bing at Eyeshot sa Condition Race (20) ngayong gabi sa Metro Turf sa Tanauan City, Batangas.

Ayon sa komento ng mga karerista, magbibigay din ng magandang laban sa dalawang kabayong nabanggit ang ibang kalahok tulad nina Summer Cruise at Sky Dancer.

“Mahirap mamili ng tatayaan diyan, mas maganda dalawa hanggang tatlong kabayo ang piliin para sa gagawin na winner take all,” saad ni Ferdie Gonzales, veteran karerista.

Kasama rin sa makikipagtagisan ng bilis sa 1,400-meter race sina Sheer at Gil’s Magic.

Rerendahan ni former Philippine Sportswriters Assocition (PSA) Jockey of the Year awardee Patty Ramos Dilema si To It’s Si Bing habang si Ryan Roy Garcia ang gagabay kay Eyeshot.

Samantala, pitong kaarera ang inihain ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) kaya paniguradong masaya ang mga karerista sa kanilang paglilibang. (Elech Dawa)