WebClick Tracer

Wednesday, September 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Ulan sa Bulusan nagparagasa ng lahar

Halos isang oras na rumagasa ang lahar mula sa dalisdis ng Mt. Bulusan sa Sorsogon habang nasa kasagsagan ng pag-ulan nitong Linggo ng gabi.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ganap na alas-7:04 ng gabi nang ma-detect ng seismic at infrasound station ng Bulusan Volcano Network ang maliit na volume ng lahar mula sa bulkan.
Tumagal ito ng 54 minuto sa kasagsagan ng pag-ulan sa Sorsogon.

Kinumpirma rin ng Bulusan Volcano Obervatory ang manipis na channel-confined lahar deposits sa Calang Creek sa Brgy. Cogon sa Irosin pero hindi umano ito basehan para itaas sa alert level 2 ang paligid ng bulkan.

Pinag-iingat naman ng ahensiya ang mga residente sa mga tabi ng ilog at manatiling alerto sa posibleng pag­ragasa uli ng lahar tuwing may malakas na pag-ulan lalo kung katatapos lang sumabog ng bulkan.