WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

‘Darna’ naispatan sa Manila, Makati, Q.C.

Usap-usapan online ang upcoming teleserye na “Mars Ravelo’s Darna” matapos mamataan ng publiko ang pag-ilaw ng logo nito sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila nitong Sabado (Hunyo 25).

Sa mga social media post na kumakalat, makikitang inilawan ng logo ni Darna ang ilang mga gusali along Quezon City at Makati, pati na ang historic na Post Office sa Manila.

Sabi nga ng mga fan, mala-Batman ang datingan nito na maihahalintulad umano sa light signal ng DC Comics icon.

“Parang ‘yung ilaw sa Gotham City sa Batman,” sabi ni Leonard Dheng Tuplano.

Matatandaan din ang ilan pang paandar ng Darna TV series, tulad ng magpalit ng DP ang official Facebook page ng ABS-CBN na may caption na “Nasaan si Darna?”

Makikita rin along ABS-CBN Compound ang katagang #NasaanSiDarna at ang mural nitong pagpupugay rin sa ating mga frontliner na may temang “Ikaw, Ako, Tayong Lahat si Darna.”

Tanong ngayon ng mga madla, ito na ba ang hudyat na magsisimula na muling lumipad ang pinakamamahal nilang superhero sa TV?

Well talagang excited na ang mga fan na mapanood si Darna gabi-gabi.

“Parating na talaga siya!” comment ni Jimmy Garcia Vergara.

Hiling ng mga fan na sana ay mapantayan ng Darna ang action series na “FPJ’s Ang Probinsyano” na parating trending online at sa haba ng run nito.

“Sana mapantayan niyo Ang Probinsiyano…walang prangkisa, 6 years na at patuloy na umeere worldwide and trending parati… congrats!” sabi ni Virginia.

Jeremy nahawa sa kabaliwan ni Pia

Magkasundo sa lahat ng bagay sina Pia Wurtzbach, Jeremy Jauncey. Kaya naman hindi kataka-taka na nagtatagal ang relasyon nila.

Pareho nga silang mahilig mag-travel (sino ba ang ayaw?).

At ang nakakaaliw sa kanila, spontaneous ang mga ganap sa buhay nila. Hindi masyadong planado, pero pasado.

At yes, mukhang nahawa na rin si Jeremy sa ‘kabaliwan’ ni Pia, ha!

Imagine, ang dating Jeremy na seryoso ang rehistro sa publiko, ngayon ay tila komedyante na rin. Madalas ngang marinig ang mga halakhak niya sa Instagram post nila.

Puro tawanan, at kahit anong eksena, ganap sa buhay nila, pinagtatawanan talaga nila. Sikreto kung bakit lalong lumalalim ang pagmamahalan nila.

Aliw nga ang mga netizen sa pa-goofy face nila sa eroplano, na sa simula ay super lambinga, dahil tukaan ang eksena.

From this to this. We can be sweet and goofy…it’s just never a dull moment with @jeremyjauncey, even on board @etihad. It’s always a comfortable experience whenever I fly this airline especially going to NYC. I think Jeremy already mentioned in his previous post how convenient it is that you get to clear US customs & immigration when you fly from Abu Dhabi (my second home!) so when you land in the US, you’re good to just pick up your bags and be on your way. How cool is that?!” sabi ni Pia.

Siyempre, super happy ang mga fan nila.

“I know I’ve been a little quiet on the gram the past couple of days. Theres just something so calming about the fact that Manila is 12 hours ahead and that whenever I start my days here, I don’t get any messages oon my phone cos peoole back home in Manila are asleep.

“The introvert in me loves it. Walang pressure mag-check ng emails, messages.

“Its also a nice excuse to switch off and just enjoy the city. A place that was once my home,” sabi pa ni Pia.