WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Orcollo swak sa Hall of Fame

DAGDAG na prestihiyo at pagkilala ang ibibigay ng Filipino cue artist na si Dennis Orcollo sa nakatakdang pagalalagay sa kanya ng Billiard Congress of America 2022 Hall of Fame sa Nobyembre sa Norfolk, Virginia.

Inanunsyo ng United States Billiard Media Association (USBMA) Sabado, na ang 43-anyos at Pinoy cue arist na dating mangingisda sa Bislig City at ang maalamat na instruktor na si Jerry Briesath ang mga nakakuha ng induction sa pinakaprestihiyosong club ng sport.

Pinili si Orcollo ng mga botante para sa kategoryang Greatest Players at magiging pang-apat na bilyarista sa Pilipinas na mapapabilang sa BCA Hall of Fame. Ang una ay ang mga alamat na sina Efren .Bata’ Reyes, Francisco ‘Django’ Bustamante at Jose ‘Amang’ Parica.

Ang pahayag ng BCA ay kasunod sa paghihintay ng PH player sa isang pulong sa mga awtoridad ng U.S. Immigration para magpetisyon sa kanyang pagbabalik sa mga torneo sa Amerika.

Nagulat din ang Surigao pride sa pagkilala. ‘Di inakalang malalagay sa HOF. Nagsabing ang ‘di siya kakalibre ni Reyes pero inamin niya na isang malaking karangalan ang mahanay sa kababayan.

Tampok sa ilan niyang mga tagumpay ang 2011 World 8-Ball, 2010 World Pool Masters, 20108 World Open at iba pa. (Lito Oredo)