WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Adik sa casino, dalaga nangharbat ng P300K

DAHIL umano sa pagkalulong sa online casino, nagawang ibulsa ng isang dalaga ang P294,566.55 na revolving fund ng LBC sa Imus City, Cavite Biyernes ng hapon.

Kasong Qualified Theft ang kinakaharap ng suspek na si Jobelle Sabolboro, 33, dalaga, Customer Associate ng LBC District Mall Branch, Anabu 2-D, Imus City, Cavite dahil sa reklamo ni Aries Custodio, 32, Operation Assistant Manager ng LBC.

Sa ulat ni Corporal Jessie Villanueva, ng Imus City Police, alas-5:00 kamakalawa ng hapon nang bitbitin ang suspek sa presinto matapos matuklasang ibinulsa nito ang nabanggit na pondo.

Nauna dito, noong Huwebes ng hapon ay nag-alisan na ang empleyado at nagpaiwan ang suspek sa kanilang opisina at tinangay nito ang revolving fund ng kanilang tanggapan.

Kinabukasan ay nag-audit ang kanilang Branch Supervisor na si Mheliza Gutierez at dito niya natuklasan na nawawala ang nasabing halaga dahilan upang arestuhin ito kung saan P2,116 na lamang ang narekober sa kanya.

Inamin ng suspek na tinangay niya ang nasabing halaga upang mabayaran ang kanyang utang matapos malulong sa online casino. (Gene Adsuara)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on