WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

Daniel feeling bilyonaryo sa golf course

Kahit sabihin pang hindi pinanganak na super yaman, malabong matawag na ‘hampaslupa’ si Daniel Padilla, no!

Pangmayaman, pangsosyal ang sports na kinahihiligan ng aktor, ang golf. Kasama niyang nagu-golf sina Zanjoe Marudo, Joshua Garcia.

Well, ibang-iba ang look ni Daniel (get-up) sa golf. Mistulang isang Don, o tycoon, o bilyonaryo, ang itsura niya, na malayong-malayo sa mga sinusuot niya sa likod ng kamera, na kadalasan ay maong at t-shirts lang.

Sa totoo lang, iilang celebrity lang ang can afford na mag-golf dahil mahal nga. Kung hindi ka rin member ng isang golf course, magrerenta ka sa lugar, o kaya gagamit ka ng koneksyon para makapasok at makapaglaro.

Dominic namaligno kay Alonzo

Parang laging namamaligno si Dominic Roque kay Bea Alonzo. Madalas kasing tulala ito kapag kasama ang aktres.

Hanggang ngayon hindi pa rin makapaniwala si Dominic na nasungkit niya ang puso ng aktres.

Sa Instagram ni Dominic pinost niya ang larawan ni Bea. Dinner date nila ‘yon at hindi napigilan ng aktor humanga sa ganda ng dyowa niya.

“Ganda naman ng date ko,” sabi ni Dom.

Napakaganda naman talaga ni Bea, kahit walang makeup. Banat lang ang buhok niya, na lalong nagpalitaw ng ganda niya.

Naku, kulang na lang ay marriage proposal para sa aktres mula kay Dominic.

Peace offering: KC reregaluhan ng alahas si Sharon

Umamin si KC Concepcion sa hidwaan nila ng inang si Sharon Cuneta. Pero ang good news ay okey na sila ngayon.

Pinost nga ni Naga-aral din doon ang actress-entrepreneur.

Ini-screen shot pa ni KC ang convo nila ng ina.

“Not only the..but my one and only. I hear about so many mother-daughters that never get the chance to heal their relationships nor resolve issues and I feel lonely for them.  I’m so thankful we’re able to speak with each other with mutual care and respect, and now talk like girlfriends and found our way back to each other! I love you mama! There is nothing like having your own mother’s love,” sabi ni KC.

Pinadala ni KC sa ina ang panukat ng ring sizes. Gagawan niya ng singsing ang ina na si KC mismo ang magdi-design.

Meanwhile, humanga nang hustodo si Angel Aquino sa husay ni Sharon sa isang eksena nito sa ‘Ang Probinsyano’. Pinoste ni Angel sa Instagram ang screenshot ng scene ni Sharon.

Detalyadong hinimay ni Angel ang highly-dramatic performance ni Sharon, lalo ang tahimik na emotional scene nito. Sabi ni Angel, napakasuwerte niyang nakatrabaho si Sharon.