WebClick Tracer

Friday, October 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Bebot initak ng selosong dyowa, tigok

Nasawi ang isang 38-anyos na babae matapos itong tarakan ng itak sa dibdib ng kanyang selosong live-in partner sa Gen. Trias­ City, Cavite noong Sabado.

Agad na namatay ang biktimang si Rio Espidido habang arestado ang live-in partner nito na si Edmar Oras, 39-anyos, kapwa residente ng Brgy. Santiago, Gen. Trias City, Cavite.

Sa ulat ni P/MSg. Cristopher Dumlao ng Gen. Trias City Police, bago ang insidente ay nag-away muna ang biktima at suspek sa loob ng kanilang bahay dahil umano sa pagseselos ng huli bandang alas-12:30 ng tanghali.

Dahil sa galit ay kumuha umano ng martilyo ang biktima at tinangkang ipukpok ito sa suspek pero nakaiwas ito.

Nagpambuno ang dalawa hanggang kumuha ng itak ang suspek at itinarak ito sa dibdid ng biktima.

Lumitaw sa imbestigasyon na malimit na nag-aaway ang dalawa dahil sa palagi umanong pagseselos ng suspek. (Gene ­Adsuara)