WebClick Tracer

Sunday, October 2, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

6-Cock Derby sa Sta. Rosa

MARKADO sina JP Dragon at Richard Perez sa magaganap na Sabong On Air sa Santa Rosa 6-Cock Derby na ilalarga sa RIPER Sports Santa Rosa Mega Cockpit Arena sa Laguna ngayong araw ng Huwebes (June 16).

Inaasahang mapapalaban ang mga pandiinan na manok nina JP Dragon at Perez sa pa-derby ni Ka Rex Cayanong dahil mga tigasing breeder at sabungero ang mga nagsaad ng pagsali sa pangunguna nina Charlie “Atong” Ang, Edwin Tose, RJ Mea at Yamamoto.

May pot money na P110,000 habang P55,000 ang minimum bet kaya paniguradong malulupit na paluan ang mapapanood sa loob ng ruweda ng RIPER Sport na isa sa magagandang sabungan sa Laguna.

Pinagdadausan din ng malalaking derby ang Santa Rosa Mega Cockpit dahil ang nasabing sabungan ay may mga VIP section.

Gagamiting entry name ni Perez ang RIPER sa event na pinapayagang maglaban ng hennies o binabae.

Ang ibang matitikas na breeders na sasali ay sina Cong. Eddiebong Plaza, Robert Gaza, PJ Estrellado at Mayor Cholo Violago.

Ang timbang ng manok na maglalaban ay 1.9 hanggang 2.4 kgs, para sa reservation ng cock house ay makipag-ugnayan kina Dennis (0977-3477300) at Bonjing (09213974577).

Posibleng umabot sa 41 entries at 123 quality fights. (Elech Dawa)