WebClick Tracer

Thursday, December 1, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Bebot dinakma sa trabaho scam

Huli sa entrapment operation ang isang 27-anyos na umano’y illegal recruiter matapos itong ireklamo ng kanyang biktima na nanghuthot sa kanya ng P100,000 kapalit ng trabaho sa ibang bansa.

Kasong Estafa ang kinakaharap ng suspek na si Judielyn Eroles, dalaga, ng Lalaan 2, Silang, Cavite. Dinakip ito sa ikinasang entrapment operation sa Brgy. Lucsuhin sa Silang, Cavite bandang alas 5:20 ng hapon noong Linggo.

Sa reklamo ni Ronaldo Ambita, 44 anyos, may-asawa at isang, warehouse officer, kay Corporal Jane Manalo ng Silang Police Station, inalok siya ng suspek ng trabaho sa Qatar bilang driver at siya na ang mag-aasikaso sa kanyang mga papeles.

Una umano siyang nagbigay sa suspek ng P35,000 bilang processing fee kabilang dito ang para sa kanyang medical at passport na ilalabas umano sa susunod na linggo. Humingi ulit umano ito ng P50,000 para sa placement fee at P2,000 para sa TESDA Training and Accreditation sa Cabanatuan.

Naumay aniya siya sa mga pangako ng suspek kaya nagtanong siya sa isang agency at dito niya natuklasan na peke ang ibinigay nitong form para sa schedule niya sa kanyang medical..

Nagsumbong na aniya siya sa pulisya nang muling tangkain ng suspek na huthutan siya ng P13,000 para sa miscellaneous fee (Gene Adsuara)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on