WebClick Tracer

Sunday, January 29, 2023

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Bebot pinakulong umbagerong dyowa

Sarado ang kaliwang mata ng isang call canter agent matapos itong sapakin ng kanyang live-in partner na sa halip na mag-sorry ay nagalit pa at sinaktan ang una nang mabuko ang pambabae nito sa Navotas City noong Sabado.

Kinasuhan ng paglabag sa Section 5 ng R.A. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 ang suspek na si Alexander Vargas, 33-anyos at residente ng Judge Roldan St., Brgy. San Roque ng lungsod.

Kuwento ng biktima na hiniling na huwag ng banggitin ang kanyang pangalan, napansin niya ang panlalamig ng suspek nitong nakalipas na mga linggo.

“Lagi siyang umaalis ng bahay at hindi mapirmi sa loob, parang sinisilihan kapag kami na lang dalawa,” anang biktima.
Aniya, para makumpirma ang kaniyang hinala ay sinundan niya ang suspek nang umalis ito bandang ala-1:30 ng hapon noong Sabado. Nakita umano niya na sinalubong ito ng isang babae at nagyakapan pa ang mga ito pagsapit sa isang bahay sa T. Policarpio Street.

Dahil dito, sinugod ng biktima ang suspek at kinumpronta pero isang ma­lakas na suntok sa kaliwang mata ang kaniyang inabot, dahilan para magtamo siya ng contusion hematoma.

Umiiyak sa sama ng loob na nagreklamo sa barangay ang biktima na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek. (Orly Barcala)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on