WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

Gabbi bet tikman sina Sanya, Kylie, Glaiza

Game na game gumawa ng GL (Girls Love) series si Gabbi Garcia.

Napanood kasi ng bida ng Love You Stranger ang ginawang GL series nina Kylie Padilla, Andrea Torres na BetChin at nagustuhan niya ang kuwento nito.

Kung sakaling gagawa siya ng GL series, gusto ni Gabbi ay kasama ang mga kapwa niya Sang’gre sa Encantadia na sina Kylie Padilla, Glaiza de Castro, Sanya Lopez.

“Masaya siya! Dream role ko ‘yan, kasi sa all-girls school ako galing. Hello?! Gusto mo kaming apat pa eh, nag-aagawan kami,” tawa pa ni Gabbi.

Mukha namang hindi hahadlang si Khalil Ramos sa anumang gustong gawin ni Gabbi sa kanyang career. Pareho naman silang artists kaya may laya silang mag-experiment sa anumang roles na gusto nilang gawin.

Anyway, nakatanggap ng maraming papuri mula sa netizens ang teleserye na Love You Stranger. Hindi raw kasi ito ang tipikal na teleserye na nakasanayan ng mga Pinoy. Marami ang nag-aabang sa misteryosong anino na Lilom na siyang pinakabida sa kanilang teleserye. (Ruel Mendoza)