WebClick Tracer

Saturday, October 1, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Cayanong, Steve sa 6-Cock Derby

MAGTATAGPO ang mga tigasing breeder at cocker sa magaganap na King Arthur 6-Cock Derby na ilalarga sa isa sa magagandang sabungan sa Laguna na RIPER Sports Sta. Rosa Mega Cockpit.

Ngayong araw ang simula ng pupugan sa pa-derby ni Art Atayde kung saan ay kasali rin ang kanyang mga panabong na pinangangasiwaan ng kanyang farm manager na si Steve.

Kabilang sa mga naimbitahan ay ang may-ari ng RIPER Sports Sta. Rosa Mega Cockpit na si Richard Perez at ang host ng Sabong On Air na si Ka Rex Cayanong.

Inaasahang malulutong ang paluan ng mga manok dahil malaking premyo ang nakataya sa derby na may pot money na P55,000 at minimum bet na P55,000.

Kasali rin sina Biboy Enriquez, Atty. Henry Tubban, Eddiebong Plaza, Rey Canedo, Tadi Palma, Pol Estrellado at Atayde.

Inaasahang marami ang sasali dahil nais makita ng ibang sabungero ang ganda ng ruweda sa loob ng RIPER Sports Sta. Rosa Mega Cockpit.

Pinapayagan naman na maglaban ng hennies o binabae.

Samantala, sa darating na June 16, ilalarga rin ang 6-Cock Derby na inorganisa ni Cayanong.

Bibitawan rin sa state-of-art RIPER Sports Sta. Rosa Mega Cockpit ang lahat ng sultada. (Elech Dawa)