WebClick Tracer

Wednesday, September 28, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
LIFESTYLE

53 bantay bayan may pabuyang cellphone

Pinagkalooban ng mga pabuyang cellphone ang bawa’t isa sa 53 hepe ng bantay bayan sa Talavera, Nueva Ecija dahil sa naging maayos na papel sa nakaraang eleksiyon.

Sa idinaos na thanksgiving ceremony sa municipal gym ay pinapurihan ang mga kagawad ng pulisya, bantay bayan at mga force multipliers nina Mayor elect Jayar Santos at ka-tandem na si Nerivi Santos Martinez at TEAM Kaunlaran.

Bago nagsagawa ng boodle fight ay pinarangalan ang Nueva Ecija Provincial Police Office, sa ilalim ni PCol. Jess Mendez, 2nd Provincial Mobile Force Group ni Lt. Col. Rannie Casilla at Talavera police station sa pamumuno ni Lt. Col. Jackryll Bilibli sa payapang halalan.

Ipinangako pa ni Mayor elect Santos ang pagkakaloob ng dagdag allowance sa mga bantay bayan at service vehicle ng mga ito. (Jojo de Guzman)