WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
ENTERTAINMENT

Hindi ko inaabuso si Khalil – Gabbi

Hindi issue kay Khalil Ramos kung magsuot ng sexy o revealing na mga damit ang kanyang girlfriend na si Gabbi Garcia.

Wala naman daw rules ang mga bida ng teleserye na Love You, Stranger tungkol sa pananamit ng bawa’t isa.

“Ako, sa kanya, I always told her whatever makes you feel comfortable, go! Just rock your outfit kung ano man feel mo, what makes you happy.”

Natutuwa naman daw si Gabbi sa pagiging open-minded ni Khalil pero hindi naman daw niya inaabuso ang pagiging maluwag nito sa kanya. Nagdadamit naman daw si Gabbi na naaayon sa pinupuntahan nilang events or kapag nagde-date sila, she dresses up appropriately.
Iba rin daw ang modern relationship ng dalawa dahil kapag may dinner dates daw sila, lagi silang hati sa pagbayad sa bill.

“Sa experience namin, noong panliligaw stage pa lang, I shouldered the dinners pero when we started being committed to each other na, always half,” sabay tawa ni Khalil.

Sinag-ayunan naman ito ni Gabbi: “That’s our rule. We split the bill ’cause I’m working, he’s working, so it’s fair enough that we split the bill.” (Ruel Mendoza)