WebClick Tracer

Friday, October 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

Bebot tigok sa upper hook

Hindi umano sinasadyang mapatay ng isang lalaki ang kanyang live-in partner matapos silang mag-away dahil sa maingay na videoke sa lugar ng kanilang trabaho sa Sta. Maria, Laguna noong Lunes ng madaling-araw.

Kinilala ang nasawi na si Gimm Montana, 26, stay-in worker sa Miguel and Maria Resort sa Sitio Silangan, Brgy.Juan Santiago, Sta. Maria, Laguna.

Sa report ng Sta. Maria police, naunang natulog ang suspek na si Christopher Becina, 23-anyos matapos makipaginuman sa mga kapwa empleyado ng resort noong Linggo ng gabi hanggang Lunes ng madaling-araw.

Naalimpungatan at nagalit umano ito nang pumasok sa kuwarto ang biktima dala ang nakabukas at maingay pang portable karaoke.

Sa kasagsagan ng pagtatalo, sinapok ng suspek ang biktima sa balikat pero tumama ito sa gilid ng leeg malapit sa panga ng biktima.

Bumagsak ang biktima at tuluyang binawian ng buhay kahit na pilit itong nire-revive ng suspek. Humahagulgol pa ang suspek nang madatnan ito at arestuhin ng mga pulis. Matapos aminin ang pangyayari, sinampahan ito ng kasong homicide ng pulisya. (Ronilo Dagos)