WebClick Tracer

Thursday, December 1, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
METRO

Bebot tumangay sa cp ng kawalwalang kelot, tiklo

Kalaboso ang isang babae matapos nitong tangayin ang cellphone ng kaibigan niya habang nag-iinuman sila sa Dasmariñas City, Cavite noong Linggo.

Nabuking ang pagnanakaw ng suspek na si Nicole Anne Tolentino, nasa hustong gulang, ng Brgy. Langkaan 2, Dasmariñas City, Cavite nang matunton sa kanyang pag-iingat ang iPhone 11 ng kaibigan niyang si Ralph Pepito sa pamamagitan ng Global Positioning System (GPS) tracker.

Sa ulat ni P/Cpl. Roderick Bajado ng Dasmariñas City Police Station, nag-iinuman ang biktima, suspek at ilan nilang kaibigan sa bahay ng una nang hanapin nito ang kanyang cellphone na nagkakahalaga ng P45,000 bandang alas-2:30 ng madaling-araw.

Hindi niya ito makita sa loob ng kanyang bahay kaya gumamit umano siya ng GPS tracker at itinuro ng nasabing app ang lugar ng suspek. Hindi na nakapalag ang suspek nang arestuhin ito ng mga pulis at marekober sa kanyang pag-iingat ang nasabing cellphone. (Gene Adsuara)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on