WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Drone ng PAF, bumulusok sa Cagayan de Oro

Iniimbestigahan na ng Philippine Air Force (PAF) ang pagbulusok ng isa sa kanilang mga drone o unmanned aerial vehicles (UAV) habang nagsasagawa ito ng functional check fligt sa Cagayan de Oro noong Sabado.

Ayon kay PAF spokesperson Col. Maynard Mariano, lumipad ang Hermes 900 drone ganap na alas-9:30 ng umaga para magsagawa ng check flight sa Lumbia Airport sa Cagayan de Oro.

Nakarating pa umano ito sa taas na 10,000 talampakan nang matapos ang check flight. Pagkatapos nito, nagdeklara ng terminasyon ng test ang piloto at pinababa ang drone ng 5,000ft o 1.5 milya sa silangan ng Lumbia Airport.

Ganap na alas-11:46 ng umaga nang mapatid ang komunikasyon sa UAV. Bumagsak ang drone sa isang halamanan at wala namang naiulat na nasaktan o nasirang ari-arian sa lugar.

Ang Hermes 900 ay isang Israeli medium-size, multi-payload, medium-altitude long-endurance unmanned aerial vehicle para sa tactical missions ng militar. (Kilo Cueto)