WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
METRO

4 tulak nalambat, P117K droga kinumpiska

Timbog ang apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos mahuli sa ikinasang magkahiwalay na buy bust operation at makuhanan ng aabot sa P117-K halaga ng illegal na droga sa Navotas City, kamakalawa.

Ayon kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, nakilala ang mga suspek na sina Marlon Estacio, 44-anyos, ng Brgy. Tanza 1 at Jeffrey Mordeno, 43, ng Tondo, Manila.

Isinagawa ang buy bust ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ala-1:50 ng madaling araw sa pangunguna ni PLT Luis Rufo sa Oliveros St., Brgy. Tangos North matapos ang bentahan ng P500 halaga ng shabu sa pagitan ng isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer.

Nakumpiska sa mga suspek ang 10.3 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P70,040.00 at marked money.

Nauna rito, alas- 9:45 kamakalawa ng gabi nang matimbog din ng SDEU operatives sa R. Domingo St., Brgy. Tangos North sina Jaime Dela Cruz, 47, at Nena Balita, 56.

Nakumpiska sa kanila ang 7 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P47,600 at P500 marked money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Vick Aquino)