WebClick Tracer

Wednesday, December 7, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
SPORTS

Batang Pinoy balik na – Butch

ISASAGAWA ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pangunahin nitong national grassroots sports development program para sa mga kabataang atleta edad 15-anyos pababa na Philippine National Youth Games (PNYG) Batang Pinoy matapos ang mahigit dalawang taong pagkansela dahil sa coronavirus pandemic.

Sinabi ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez na magbabalik ang inaabangan kada taon na mutli-sports event na PNYG-Batang Pinoy na inaasam maayos na maisagawa Nobyembre 20-26.

“In our efforts to resume implementing the grassroots sports development program of the country, and further strengthen our partnership in discovering talented athletes to represent the country in international competitions, we are pleased to confirm that the Batang Pinoy Games will be held this year,” ayon sa pirmadong memorandum ni Ramirez na ipinamahagi ng PSC sa lahat ng sports stakeholders.

Malapit sa puso ni Ramirez ang pagsasagawa ng Batang Pinoy dahil sa naging sandigan ito ng mga manuhusay na miyembro sa kasalukuyan ng pambansang koponan tulad nina World Gymnastics champion Carlos Edriel Yulo, Olympic gold medalist weightlifter Hidilyn Diaz, SEA Games gold performer Vanessa Sarno at pati na si Asian pole vault record holder Ernest John “EJ” Obiena.

Ang mga sports na paglalabanan sa 2022 Batang Pinoy ay taekwondo, table tennis, chess, athletics, weightlifting, archery, karatedo, cycling, swimming, muaythai at arnis.

Huling isinagawa ang 2019 Batang Pinoy National Championships sa Puerto Princesa City, Palawan. (Lito Oredo)

Anong masasabi mo sa balitang ito? (Mag-komento)

Una sa Balita

Popular sa Abante

TELETABLOID

Follow Abante News on