WebClick Tracer

Monday, October 3, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
NEWS

Susan Roces nangulila kay FPJ

Inihayag ni Senadora Grace Poe na cardio polmunary arrest ang ikinamatay ng kanyang inang si Susan Rocess noong Biyernes ng gabi.

“Alam n’yo, ang aking nanay ay nasa edad na rin—80 years old na siya. Ang kanyang ikinamatay—ito ‘yong sinabi ng doktor: cardiopulmonary arrest. Ibig sabihin, bumigay po ang kanyang puso,” pahayag ng senadora sa mga reporter sa burol ng kanyang ina sa Heritage Memorial Park sa Taguig City.

“Maraming dahilan ‘yan; dahil marami na ring mga naging kumplikasyon sa kanya. Pero hindi kasi siya dumadaing masyado. Kilala ko ‘yong aking nanay. Itinatago niyang mabuti kung anuman ang nararamdaman niya, ayaw niyang maging pabigat sa iba,” lahad pa niya.

Kuwento pa ni Poe, nitong pandemya ay hindi masyado nakapag-taping at sa tingin niya’y nangungulilala pa rin siya sa pagpanaw ng kanyang amang si Fernando Poe Jr. na namatay noong 2004.

“Alam n’yo ngayong nag-pandemic tayo, hindi siya masyadong nakapag-taping, hindi siya masyadong lumabas kaya nagkaroon siya ng maraming oras na magmuni-muni,” ani Poe.

“At sa tingin ko, talagang nangulila na siya sa tatay ko. Matagal na rin, 2004. Siguro walang buwan na nakalipas o madalas ‘pag nag-uusap kami, siya pa rin ang pinag-uusapan namin,” saad pa niya.

Bagama’t nalulungkot sila sa pagpanaw ng kanyang ina, sinabi ni Poe iniisip na lang umano nila na wala itong mararamdamang sakit at makakasama na niya ang kanyang mga magulang at ang kanyang true love – si FPJ – ang tinaguriang “King of Philippine Movies”.

“Pero alam niya na gusto niyang ihanda na kami, ilagay kami sa maayos. Halos dalawang dekada na rin ang nakalipas. Si FPJ siguro sabi niya, tama na siguro ‘yon. Siyempre malungkot kami pero ‘pag inisip namin wala nang sakit, wala nang hirap, at higit sa lahat, kasama na niya ang mga magulang niya at saka ang tatay ko—‘yon talaga ang true love niya eh—so ‘yon,” sabi ng senadora.

“Imagine na lang natin na ‘yuon ang kanyang dinadatnan ngayon, 80 years old na siya, marami na siyang natulungan, marami na siyang nagawa sa buhay niya. So sabi namin, mabuti na ring nakapagpahinga siya dahil 14 na taong gulang pa lang siya, nagtatrabaho na siya,” sambit pa ni Poe. (Dindo Matining)