WebClick Tracer

Tuesday, October 4, 2022

MORNING NEWS
NIGHTLY NEWS
BREAKING NEWS
ALL NEWS
ONLINE
RADIO
SPORTS

Brandon No. 1 pick ng Bossing

Hindi nagpatumpik-tumpik ang Blackwater, si 6-foot-7 Fil-Am Brandon Ganuelas-Rosser ang ginawang top pick ng 2022 PBA Draft sa Robinsons Place-Manila nitong Linggo.

Isa pang Fil-Am ang hinugot ng Terrafirma sa No. 2, si Jeremiah Gray. Kung hindi sa kanyang ACL injury, laban sa No. 1 overall selection si Gray.

Unang tinapik ng Converge FiberXers sa No. 3 si 6-foot-7 Letran forward Jeo Ambohot, isa pang big ang isinunod sa No. 4 sa katauhan ni Justin Arana ng Arellano U Chiefs.

No. 5 ng Rain or Shine si 6-foot-2 slasher Gian Mamuyac ng Ateneo.

Sundo na tinawag ni commissioner Willie Marcial ang pangalan ni 6-foot-6 forward JM Calma ng San Sebastian na No. 6 ng NorthPort. No. 7 ng NLEX si 6-5 forward Tyrus Hill ng La Salle, No. 8 ng Ginebra si Javi Gomez de Liano na produkto ng UP.

Bumaik ang Bossing sa 9th, hinugot si 6-1 DLSU guard Kurt Lojera.

Tenth selection ng Elasto Painters si Shaun Ildefonso ng National U, ginamit ng Blacwkater ang huling pick sa first round (11th) kay bruiser Mark Dyke.

Isinara ng Magnolia ang first round, kinuha sa No. 12 Keith Zaldivar ng Adamson. (VE)